Friday, August 27, 2004

Great News!

Tinawagan na akong nung foundation na papasukan ni Joshwa. Nasabi ko lang ay Haaay salamat.. Kasi ang tagal ko din syang hinintay mga isang taon din yun. Pero okay lang kasi nasa last stage na kami ng application. Assessment na ni Joshwa sa Tuesday.. Maghanda na daw ng 3k para sa assessment fee. Tapos pag papasok na sya magbibigay na kami ng 5k na bond. Nasabi ko na lang sa sarili ko. Parang di foundation ang laki pa rin ng ilalabas. Pero natuwa naman ako dun sa feedback na binigay sa akin kasi daw okay daw talaga yung foundation.. O sya ano pa nga ba. Kaysa naman maglabas ako ng 30K a month( yan yung going rate nila pinaka minimum pa yun) di namin kaya. Baka di na kami kumain at sa kalsada na kami tumira. Mabait talaga ang Diyos sa amin. Di nya kami pinapapabayaan.


Kaya lang ang malungkot na balita pag nagsimula na kami sa foundation kailangan ko na bitawan yung ABA nya ngayon kasi ABA din ang pinaka approach nung foundation. Buti na lang matagal ko na sinabi na temporary lang itong kina Teacher Mavic masay ako at nainitindihan naman nila kami. Sana lang magtuloy tuloy yung improvement ni Joshwa. Maski pa may bagong center na sya lilipatan tapos bagong Teacher na ang hahawak sa kanya


Dahil foundation yung papasukan nya subsidized ang rate ng therapy nya. Malaki din ang matitipid namin. Marami na kaming puedend gawin dun sa matitipid namin. Puede na sya mag school next year kasi luluwag na din ang schedule nya. Syempre pa puede ko na uli pagbigyan ang isa sa mga luho ko may pangbili na ako ng scrapbook materials ko..Naku paktay lo na naman ako sa asawa ko buti na lang di sya nagbabasa ng blog ko.



1 comment:

Lyra said...

Ey leirs! This is good news! :)