Saturday, August 30, 2008

Finally

Naglakad na si Adrianne kahapon.. August 29,2008
4 Steps.. Hay in a few weeks maglalakad na talaga
sya. Malapit na sya mag 1 wala pa ring preps.
Delayed ang funding naiinis na ako at na stress
na talaga ako. Pero si Lord na ang bahala
I'm sure darating na rin yun. Naiinip lang siguro
ako I promised to pay the host last Aug 15 kaso
wala pa talaga akong ibabayad. Darating na yan
this coming week (Hayyy Please Lord!!!!)

Thursday, August 28, 2008

I Won!!

I won a pair of tickets to Enchanted Kingdom.
Kakatuwa!!! My cousin and I will be going.
Exciting!!!

Tuesday, August 26, 2008

My 3 Minutes of Fame.

Scrapbooking was featured in Umagang Kay Ganda today.
We all had a great time. I know mukha akong tanga
kasi I was all smiles and wasn't looking like I was
scrapbooking. When they made us dance I looked
like an idiot. But still I really had a great time.
I enjoyed it. Vivian displayed my LO's and wow
ganun pala ang feeling nakadisplay ang LO ang
saya nung kinuha ko na nga parang gusto ko mag prisinta na wag na
nya tanggalin maski ako magbayad para idislay LO ko. Hahahah
Feelin ko ano!!!pero syempre pag nasa wall means Design Team ka
in my dreams na lang akong magiging DT ano. Siguro pag may sarili akong
scrapbook store ako magiging sariling designer ng store ko. hahahaha!!!
Syempre pa ang tapang ng loob ko itabi ang mga LO
ko sa scrappinmoms. Ibang level talaga ang mga LO nila.
I'm so honored to know them and to call them my friends.



With Tita Winnie Cordero




12 Layouts Spread..



1st set: 6 of my Layouts



2nd Set: 6 of my Layouts

Monday, August 25, 2008

Adrianne as a Frog

I saw this photo and I knew I had to post it.. Last week Hello Kitty Endorser
now Kerokerokeroppi naman Sanrio pa rin. Ang cute kasi indulge me.. She's
such a sweetheart!


Sunday, August 24, 2008

Still Sick

Ano ba ito? Di pa rin ako magaling pero I'm feeling a bit better.
Thanks in part to Bio Flu and Tylenol. Yung lang ang pain & fever
reliever na di ako allergic. Nakakapag computer na ako ngayon
kanina talaga hindi. Di ako makakain wala akong gana.
A sure sign na may sakit ako kasi di ako makakain.

Kinakabahan na ako talaga. I'm really praying this is nothing serious.
Saka sana wag mahawa ang mga bata sa akin. Kawawa sila pag
maysakit eh. Will rest muna then go see a Doctor on Tuesday.

Saturday, August 23, 2008

EB

Went to Pinoyscrapbookers EB.. Grabe had so much fun!!!
Its fun of having a community rallying behind you. Being
supportive with the craft. The B.I.'s hahahaha!!Love it!!

Pag uwi ko nilagnat ako as in ang taas talaga. Pinag enjoy lang ako.
Papahinga ako tomorrow and on Monday will attend the taping
on Tuesday for Umagang Kay Ganda. Theme: Scrapbooking Party! I'm so there.

Friday, August 22, 2008

I caught the flu bug last week and thought I was well
so I attended the scrapbooking EB last week. I thought I
was okay but I'm still not feeling that well. I still
feel like something is definitely not right I'm still feeling
"out of sorts" so to speak. I decided to go to the EB tomorrow
and just go to the Doctor on Tuesday. I'm kind of scared to go
to the doctor. Since everytime I go to doctor lagi na lang
may bad news. Hopefully, I'll be okay.

Speaking of scrapbooking I noticed that I have definitely
improved in my scrapbooking skills. I used to be preschool
scrapbooker now I'm at grade school level na. Do I think
I have what It takes to compete with the others? NOPE!
I just scrapbook for myself and I don't want the added pressure
of deadlines

Thursday, August 21, 2008

Samut Sari

I was browsing at scrappinmom's website.
Ang gagaling ng entries. Level 1 palang sya.
Ay grabe ibang level na sila.Galing bilib
talaga ako sa talent ng mga pinay scrappers..

Then I saw what Bjay's manga looks like. Kamukha nya in fairness.
Kaya I'll show mine as well In fairness di ko kamukha pero
parang ako na rin.. hahaha!!!



Natetense na ako wala pa ang funding para
sa party ni Adrianne.. Since wala akong work
I'm relying on Philbert to give me the funds
that I'm ALLOWED to spend although totally
subjective. 2 months to go na lang. Hayy
Lord please sana dumating na po.

I'm off to another scrapbook EB this weekend..

And finally magkaka vonage na kami yehey!!!!
Will be able to call my sister all the time.

Tuesday, August 19, 2008

My New Crush

Move over na Ariel Rivera!!! Bakya na kung bakya
pero crush ko si Ariel Rivera since high school ako
lahat ng movie napanood ko pati palabas sa tv
di rin pinatawad. Pero since I have a
weakness for chinito guys. D ko mapigilan
kiligin kasi ang cute talaga ni Richard Poon.
My friend Grace sent me two photos that of
course I will post in my blog. Cute talaga!!!
Galing pa nya kumanta..




Losing a Spouse vs Losing a Child

I know I should be over this already and blogging about other things
already but everytime I remember it talagang naiinis ako. During Ate's
funeral someone told my MIL na buti ka nga anak ang namatay ako asawa.
Mas masakit mawalan ng asawa kaysa anak. What the??? Talagang nainis
ako when I heard that kasi true masakit mawalan ng asawa pero mas
masakit mawalan ng anak. Why did she have to downplay it just like
that eh nagluluksa kami. Kung kayo tatanungin ano mas masakit
Mamatayan ng Asawa or Anak?

Iisipin nyo mababaw lang ako and I should probably let it go.
I'm still grieving lahat kami nasasaktan sa pagkawala nila.
It doesn't help that our two families aren't okay anymore.
I should probably blog about that too but not
yet. I'm still sad because of this turn of events.
Have a good week everyone!

Thursday, August 14, 2008

Thrilling Twenty

The rules are simple...

1. Answer this question--WHAT CHEAP SNACK WOULD YOU BUY FOR TWENTY BUCKS?
2. Take a pic of it and post it on your blog.
3. Link back to Cez's (cez.wifespeaks.com) site.
4. Give Cez a shoutout so that she can include your thrilling-twenty in the round-up.

So, here's my thrilling twenty snack...




Eto na lang ang mabibili ko for 20 Pesos

Wednesday, August 13, 2008

The Suspect

Finally he has a name and a face. CHP officials on identified Chad Isaac Huber, 30, of Murrieta as the driver suspected in the hit-and-run crash.





At the moment he is hiding but I know that justice will prevail.
He will be caught and he will pay for what he did to Ate Beth. Kuya JR and Angelo

Tuesday, August 12, 2008

Joshwa in Concert

Last Saturday we went home to my inlaws kasi ika 40 days
na nila Ate Beth. Parang kailan lang ano? Has it been that long?
So mayroon silang videoke machine. Ginawa ni Joshwa inagaw ang microphone
at kumanta. Kung mawawala Ka by Ogie Alcasid. Na shock talaga ako
kasi tinapos nya yung song. Then after an hour pinakanta sya uli
kanta naman sya kaya lang towards the end nagpalakpakan yung
audience nahiya si Joshwa ayun na ayaw na ni Joshwa kumanta parang na
conscious sya. Di ko na video kasi I was too much in shock. It was
like a miracle. My non verbal child singing a tagalog song.
I'm definitely a very proud Mom

Down with the Flu

Philbert and I got sick at the same time. Grabe!!!!
Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Buti na lang magaling
yaya ko manghilot. After ko uminom ng gamot hinilot nya ako
and it worked. I feel a whole lot better..Sana lang wag
mahawa mga bata

Friday, August 08, 2008

All About Joshwa

Joshwa is finally starting to talk slowly but surely..
Pag kailangan na sya magsalita napipilitan sya.

Here are some examples:

I want Daddy Please!
Yaya I want computer Please
I want Iced tea please
I want water please
I want juice please

some are prompted pero at least nagsasalita na

Tapos pag nakahawak ng Magic Sing..

Kakanta ng Boys Don't Cry & Achy Break Heart
Yun lang kinakanta as in Boys Don't Cry..
Wala nang kasunod
pag Achy Breaky Heart naman ganun din.
Pero at least may improvement na

Thursday, August 07, 2008

Adee is Turning 1

Parang kailan lang.. Adrianne is turning 1 in 2 months.
Where does the time go? She's growing up right before my
very eyes. At dahil mag 1 na sya eto na naman ako nag plan
ng party. Kaso wala pang funds. May hinihintay ako di
pa dumadating. Mayroon palang nang the following:

VENUE: Okay na booked pero di pa paid.
PHOTOGRAPHER: Okay na booked pero di pa paid
HOST: Okay na booked pero di pa paid
CATERER:Okay na booked pero di pa paid.

Gosh dami pang kulang.
Wala pang food carts na confirmed
Wala pang giveaways
Kulang pa prizes
May Save the Date pero I still need an Invite.
Was thinking of adding a bubble show
kasi gusto ni Joshwa pero bahala na

I know I can pull this off kaya lang nagpapanic lang kasi
malapit na eh. Ayoko talaga nang ginagahol sa oras.