Saturday, February 14, 2004

Here's something that I wrote for my hubby for Valentine's day..
I know you'll probably say I'm too cheesy but indulge me anyway.

Mahal kita noon..
Pero mas mahal kita ngayon.




Iniisip ko pa lang kung paano tayo nagkakakilala kinikilig pa rin ako
Naalala ko pa ang araw na yun,parang kailan lang.
Isang napaka ordinaryong araw, di ko naisip na may mangyayaring
kakaiba. Sa unang pag uusap.. walang pagkagusto..walang
kakaibang atraksyon.


Maramin akong lalaking nakiklala
Pero walang naiiba..Di ko na matandaan kung ano ang nangyari.
Pero bago ko pa namalayan
Unti unti ng lumambot ang damdamin
Na akala kong nagging bato.

Nakakatuwang isipin na kung
Di mo hinahanap saka lang syang dumadating.

Di madaling ipaliwanag
Di madaling sabihin
Pero sinabi mo sa akin na mahal mo ako.
At bagamat di mo inaasahan
Sinabi ko sa yong mahal kita

Di ako makapaniwala na apat na taon na tayong magkasama..
Di ako makapaniwala na andito ka sa tabi ko mahal mo
ako at laging inaalagaan.

Nais kong muling sabihin sa iyo na mahal na mahal kita.
Napakaligaya ko sa tuwing iisipin ko na habang buhay
Tayong magkakasama bilang mag-asawa.