Wednesday, June 22, 2005

Pasukan Na..

Start na ng classes namin nung Monday.
It felt weird to be called by your real name.
Okay naman pala sya, iniisip ko kasi baka
ma-out of place ako. Pero nung nag start
na di na rin pala ako out of place. Kasi
lahat naman kami andun para mag-aral
at para matuto. Tapos puro research rin
gagawin. Medyo natuwa ako kasi ganun
din ako nung college puro research
ang ginagawa.

Mabait naman yung mga classmates ko.
Mayroon na rin akong naging kaibigan
although sa isang subject ko lang sya
classmate nalaman ko na malapit lang
sya sa akin. Kaya tuwing pag uwi sabay
na lang kami.

Bigla ko ga naisip sana pala noon ko
pa ginawa ito.Pero madaming bagay
sa buhay ko ang ay laging karugtong na
sana noon ko pa ginawa. Wala na akong
magagawa dun eh tapos na yun. Kahit
ano pang gawin ko di ko na mababalik.
Puede ko na lang gawin pag butihan ko
yung ngayon para maging maganda ang
bukas.

No comments: