Tuesday, July 08, 2008

End of the World

Philbert can't stop talking about the event that
will apparently happen on Dec 21,2012.
Apparently end of the world na.
It all started with a feature on History Channel
aba ayun sunod sunod na may pinapanood pa
about the Sumerians at kung ano ano pa.
But honestly di ako naniniwala. Sabi ko sa kanya
all it takes for fear and panic to start is for a person like
him to believe something like this. Tapos ikuento
sa iba and then kakalat na. Ewan ko ba cynical
na ata ako pero di ako naniniwala eh.Si God lang naman
nakakaalam kung kailan matatapos ang lahat.
Wala nang iba.

Speaking of Death pinag uusapan namin ng
MIL ko kung paano bang death ang gusto namin.
Habang natutulog ka, Biglaan or yung dahil sa sakit.
Si MIL gusto nya biglaan or maski tulog sya.
Sabi ko maski dahil sa sakit okay lang sa akin
kasi I want to say goodbye to people that I love.
Gusto ko magbilin at ma-i ready ang sarili ko.
Unfair kasi kung biglaan maraming things na
di mo nasabi kasi di mo rin naman alam eh.
Gusto ko may chance na mag paalam at
makapag sorry sa mga nasaktan at makasabi
kung gaano ko sila kamahal.

1 comment:

MrsPartyGirl said...

hindi rin ako naniniwala sa ganyan. kung totoo ang mga prediction, 1984 pa lang dedbol na tayong lahat, hehe.

it's all a matter of having faith and trusting God. :)

like you, gusto ko may konting time to say goodbye to my loved ones bago tuluyan kong lisanin ang mundo. ayokong ang last na maalala nilang sinabi ko ay "pautang naman". hehe. :)