Friday, April 07, 2006

Tampo

Nagtatampo ako ng kaunti kay Hon kasi tumawag ako
busy sya. Lately lagi na lang syang busy. Miss ko na
sya pero lagi syang walang time para kausapin ako.
Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko intindihin na lang
sya kasi talaga namang busy sya talagang iniintindi
ko sya kaya minsan iniisip ko di mo ba kayang
iwanan yang ginagawa mo para kausapin ako
maski 3 minutes lang.

Wala lang nagtatampo lang ako kasi gusto ko lang
naman sya makausap kahit sandali lang.
Pero maski ganito nararamdaman ko di ko na rin
naman sinabi sa kanya sinarili ko na lang.
Miss na miss ko na kasi sya until then andito
lang naman ako maghihintay na lang uli
ng tamang tyempo baka sa susunod di na sya
busy pag tumawag ako.

No comments: