Saturday, August 21, 2004
Sorry kung tagalog.. Galing ako sa biyahe kaya pagod pa ako mag isip. Gusto ko lang sya isulat bago ko pa makalimutan.
Kakauwi ko lang galing sa lugar ng mga biyenan ko. Kakatatawa pa kasi yung asawa ko di umuwi.Ang dahilan ang computer nya.Na-addict sa Gunbound (PC GAME ).Sabi ko sa kanya baka sa dami ng lakad na di mo napuntahan dahil dyansa game na yan. Baka pag may nangyari sa yo walang dumamay sa yo at computer mo na langang nandyan.
Kami lang ng anak ko at ang kanyang butihing yaya ang umalis.Nagbyahe na lang kami kasi malapit lang naman (3 hours away)
Namatay ang pinsan ni Hon. Si E.M 27 years old, May kapansanan sya sa pagkakaalam ko based lang sa impormasyon na nakuha ko ay Autistic sya ayon lang ito sa mga symptomas na nakalap ko dahil sa pagsasaliksik ko. Takot na takot sila na bansag na yun. Mas gusto pa nilang tawagin na retarded sya. Ayon sa usap usapan tinangka daw sya ipa-abort nang nanay nya.Kasi tatlo na ang anak nyang babae na maliliit pa tapos nalaman nya na buntis na naman sya. Tinangka nyang inuman ng gamot nung walang nangyari. Tinuloy na lang nya. Laking pagsisisi nya nung malaman nyang lalaki pala ang naging anak nya. Dahil din sa pangyayari ito tumabang na ang pagsasama ng mag asawa. Di matanggap nung asawang lalaki ang ginawa ng kanyang kabyak.
Nung panahon na para sya ay mag aral di daw sya nagsasalita at parang di daw interesado mag aral di na nila pinilit pumasok sa eskuewala. Pinagpalagay na lang nila na epekto ng gamot kasi aminado naman yung nanay. Di na nila pinatignan sa doctor. Pinabayaan nalang na lumaki ng ganun. Di na sya talaga nagsalita..
Iba iba ang usapan kung ano ba talaga ang kinamatay nya.Sabi ng iba inatake daw sa puso. Tinanong ko kung bakit di nila alamkung maysakit sya sa puso. Ang sagot sa akin ay kasi di naman sya nagsasalita kaya di malaman kung ano ang masakit sa kanya.
(Naisip ko naman sana man lang napatignan maski isang beses para langmalaman kung may sakit ba sya sa puso at para malaman kung ano talagangkapansanang mental meron sya) Sabi naman ng iba ay baka daw binangungot sya at may ilanding nagsabi na baka talagang di na daw umaabot sa 30 ang lifespan ng isang Mentally Retarded.(natawa ako sa theory na ito kasi wala itong basis)
Nagulat na lang daw sila na bigla syang umungol ng malakasna tila ba nasasaktan. Tapos nangisay sya. Nung tinakbo sa hospital wala na sya.
Nalungkot ako nung pumunta ako nang burol nya.Dahil wala talagang may kilala sa kanya. Walang nagsayang ng oras para subukan naabutin sa mundong ginagalawan nya.
Habang nakikinig ako sa nanay nya ramdam ko ang magkahalong lungkot,panghihinayang, pagsisi at pag luluksa. Di ko lang masabi na sa lahat siguro dun isa ako sa lubos na nakakaramdam ng pinagdadaanan nyadahil Nanay ako at may special child. Damdam ko ang paghingi nya ng tawadnya sa anak nya.
Kaya kanina pinagsabihan na naman ako ng biyenan ko na wag mag alalala na di pa nagsasalita ang anak ko di ko na lang pinansin ang sinabi nya. Kung may malaki man akong natutunan sa pangyayaring yun ay Di ako dapat tumigil hanggat di ko naabot ang mundo ni Joshwa.
Kung kailangang pumasok ako dun at dun na lang kami gagawin ko. Gusto ko lagi nyang malaman na mayroon syang Nanay na gagawin ang lahat para sa kanya.
Gusto ko masabi ni Joshwa sa sarili nya na may boses ako at ang Nanay ko ang tutulong sa akin para masabi ko sa inyo yun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
I was so touched while reading your entry. I couldn't say anything more. Our love to our children as mothers is incomparable and unconditional. Next to loving God, our love for our children is the next purest love we can find. Joshwa's so lucky to be your son.
I was so touched while reading your entry. Joshwa's very lucky to have a mother like you. Our love for our children is unconditional and limitless. It's priceless.
Post a Comment