Naiinis ako sa sarili ko kasi feeling ko ang sungit ko talaga.
Medyo irritable ako lately not just with Philbert
pero sa lahat as in parang ang dali maubos ng patience ko.
Di ko alam kung dahil sa medication ko kasi medyo elevated
ang blood pressure ko so I had to take something para
bumababa sya.
Kanina habang naglalakad kami pauwi na ako may mga bata
nagtatakbuhan natamaan ako tapos nagbato pa ng bola
na made from Paper Mache' so medyo matigas
grabe!!! I snapped nasigawan ko yung bata as in wala ka bang
sasabihin. Tinignan ako sabi ko ni hindi ka man lang ba
mag sasabi ng sorry di ka ba tinuruan ng Mommy mo
mag sorry. Pag kita ko andun ang nanay nya sa may kabilang
corner nanlilisik na yung mata at umuusok na ang ilong sa akin.
Sinabihan ko na rin yung nanay sabi ko turuan nyo ang anak
nyo nakasakit sya di man lang marunong sorry with that
pumasok na ako. I would really understand kung with
special needs yung mga bata at nakasakit sila. Pero
malalaki na itong mga ito mga around 8 years old.
I felt so guilty pero something in me snapped as in
lumabas na lang sya bigla. Pagpasok ko
sumakit talaga batok ko. The kids will now know me
as the mean neighbor who lives in Unit ______.
No comments:
Post a Comment