Kung may isang tao sa mundong ito na sasabihing
ko mahal na mahalko na as in unconditional si Joshwa
talaga ito. As in nung nalaman kong buntis ako sa
kanya talagang ang saya saya ko. Kaya ganun na lang
ang panlulumo ko nung nalaman kong may
special need sya.
Pero sige kinaya ko.Kasi kailangan nya ako.
Nung una inaamin ko parang naging detached
ako kayJoshwa at sa lahat ng pangyayari sa
buhayko kasi yun lang ang paraan ko na para
makayanan ko lahat.
Napapansin ko talaga nitong nakaraang araw
nagiging mahigpit ako pagdating sa pag disiplina
kay Joshwa. Ayoko talaga na naiinis ako sa kanya.
Na sinasabi ko lagi Joshwa NO!Joshwa STOP THAT!
pero iniisip ko na lang na I can't be his friend.
I have to be his mom.Kamakailan lang na pag usapan
sa isang egroup na sinalihan ko kung ano ba talagang
mga takot ko para kay Joshwa.
Isa sa mga malaking kinakakatakutan ko pag namatay
ako nang maaga baka hindi pa handa si Philbert
na alagaan si Joshwa.
Di ko alam kung kakaiba lang ako o
weird talaga pero naisip sana ma outlive
ko si Joshwa. Ibig ko sabihin matanda na
sya at matanda na rin ako sabihin
na nating pumanaw sya ng mga 60 so mga
85 na ako nun.
Gusto ko lang mailagay ko sya sa ayos hanggang
sa huli. Naalala ko sinabi ko dati kay Philbert
pag namatay ako ayoko sya mag asawa kasi
baka makakukuha sya ng salbahe tapos
sasaktan si Joshwa. Sabi ko sa kanya hihilahin
ko paa nyo pag ginawa nya yun sa anak ko.
Nagbilin din ako sa mama ko na wag nya
pabayaan si Joshwa pag may nangyari sa akin.
I know morbid sa it may seem death is inevitable.
The only thing that we have to do is to prepare
for it. Pag alam ko nang okay na si Joshwa
without me then I know that I can go anytime.
No comments:
Post a Comment