Nilagnat si Joshwa nung isang gabi
talagang nag panic ako kasi talagang
nilalamig sya at pumayag sya mag kumot.
Di ko sya pinapasok sa eskuelahan nung
Huwebes. Pagdating ng Huwebes ng Hapon
tumawag ang nag aalaga sa kanya at
sinabi nyang nagsuka si Joshwa. Sabi ko
obserbahan nya si Joshwa kung susuka
uli. Pagkatapos nung limang minuto tumawag
uli. Nagsuka na naman daw si Joshwa tumawag
ako kay Papa at nag text kay Mama para sabihin
na kailangan dalhin si Joshwa sa ospital.
Maputla si Joshwa nung nakita ko.Dinala
namin agad sa Emergency Room. Pero wala
naman silang makitang sakit nya. Kaya niresetahan
kami ng gamot at pinauwi.
Pagkalabas namin at nasa taxi na kami
inusisa kong mabuti kung ano ba talaga
ang nakain ang sagot sa akin kaunti lang daw
ang nakain ni Joshwa biscuit lamang at kaninang
umaga pagkagising 3 yakult ang ininom.
Kakagigil talaga sya sa katigasan ng ulo nya
muntik na mapahamak ang anak ko.
Kaya ipinaalala ko talaga na kaya nga sabi ko
isang beses lang sa isang araw ang yakult
at di puede ng gutom. Pasalamat na lang din ako
at walang nangyari sa kanya. Kaya pala nung
tinatanong sya ng doctor di makasagot ng maayos.
1 comment:
hope he is feeling much better today..
hugs for Joshua!
Post a Comment