Thursday, January 20, 2005

Sumbong ng Isang Mommy

Maraming adventures si Joshwa lately
like naka-akyat sa bubong namin.
Nalingat ang bagong yaya at nakalabas
ng bubong buti na lang di nahulog. ..
We had to let the yaya go nung nag paalam
sya coz that was the second
accident nung sya ang nagbabantay.
The 1st one naiwan nya bukas ang
door nakalabas si Joshwa muntik na masagasaan
buti na lang nahawakan sya.


Joshwa will be going to school in June
sa Odea International School (pangalan lan yan
di talaga sya presyong International School)
Mas mahal pa ata ng 10k kung sakaling gawin
kong whole day ang ABA( applied behavioral
analysis behavior modification program)
kaya dun na lang kami uli 3x a week na ABA
plus school and OT & Speech pagdating ng June.


I have been feeling so guilty that I could
only afford to pay for the
OT and Speech and nothing else.
Sa sobrang di na kami makabayad
binitawan na kami ng ABA nya.
I understand and hold no grudge
against the center kasi negosyo yan eh.
Very lucrative ang business ng special kids.
( di ako sarcastic totoo ito)


Things have been hard for us lately as
far as finances are concerned.
Umalis ang husband ko papuntang
US para mag work. So hopefully by
June makaka enroll na si Joshwa.
Please help me pray for my husband
na maging okay sya US. Kasi in all honesty di
namin ma-afford ang services ng therapy centers
and help for my son kung walang money.


The foundation that I want Joshwa to get into is
BMAC ( Behavioral Management
for Autistic Children).Pero suerte lang ang
nakakapasok. 1 1/2 years na kaming waitlisted
tapos nag pa assess na si Joshwa sa kanila nung
November. Ang feedback na narinig ko ay parang
gusto nung Directress na i-pasok sa program
si Joshwa dun sa 15k a month (which is the lowest
the highest is at 60k a month) Kaya ko yan kung
sa kalsada kami nakatira at di kami kakain.
In all honesty di ko talaga kaya sya bayaran.
Kung kaya lang namin why would
we go through all that trouble of completing the
requirements at the expense of my son and the
help that he could get?


Im just a frustrated mom. I want all of what's
best for my son. It's hard to have a special child.
Ang hirap sa kalooban ng isang nanay na nakikita
mo nahihirapan ang anak mo tapos wala kang
magawa. Lalo na pag may masakit sa kanya kasi
di na nya masabi kung saan talaga masakit.

No comments: