Naglalaban ang aking puso at isip
Ano bang dapat kong gawin
Gusto kong magsalita at magkuento tungkol sa mga
Bagay bagay at kung ano ang nangyayari sa akin.
Ngunit sino ang makikinig?Sino ang kakausap
Sa mga sandaling ako’y nangungulila at
Nakakaramdam ng kawalan at pagdurusa.
Tiniis ko ang pagiisa
Nabuhay ako sa kalungkutan
Nakaramdam ako ng pangungutya
at pagtalikod ng mga akala kong kaibigan
Nakikita ko ang kadiliman
Na di nawawala .
Pag dinilat ko ang aking mga mata
Di ko nararamdaman ang sinag at
Liwanag ng araw.
Ako ay lumuha,isang patak ng luha
Tumulo mula sa aking mga mata at
Nahulog sa aking blusa,
Naiyak ako para sa katauhan,
Para sa akin..
Para aking buhay na malapit ko ng bitawan.
Para sa aking mga iiwanan
Nakikita ko ang aking sariling nakalibing,
Ako’y nalungkot
Malungkot ang mag isa
Maski gusto ko wala na akong magagawa.
Mangyayari ang nakatakda
Ginusto ko na may lumapit at kumausap at
Umintindi. Bagkos ako’y tinalikuran at
Kinutya.
Sila ang papatay sa akin at sa buhay kong
Di na para sa akin. Sa mga nangyari sa akin
Sila ang dapat sisihin. Dahil tatapusin ko
Yaring aking buhay
Alam kong maganda ay buhay.
May pag asa pa ba para sa akin
Palagay ko’y di ko na kaya
Salamat mga kaibigan sa inyong ginawa,
Dahil wala na itong balikan